Hirakiya ng pagpapahalaga
Apat na Antas ng Hirakiya ng Pagpapahalaga: Banal Ispiritual Pambuhay Pandama Ang banal na pagpapahalaga ang siyang pinakamataas. Ang mga Ito ay binubuo ng mga pagpapahalagang kailangan ng tao upang maabot ang kanyang kaganapan. Ang kabanalan ang katuparan ng kaganapan ng tao. Ang ispiritwal na pagpapahalaga ay binubuo ng mga pagpapahalagang naaayon sa kabutihan Hindi lamang ng sarili ngunit ng lahat. Ito ay nahahati sa tatlo: Pagpapahalagang pangkagandahan Pagpapahalaga sa katarungan Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan Ang pambuhay na pagpapahalaga ay binubuo ng mga pagpapahalagang may kaugnayan sa mabuting kalagayan ng buhay. Ang padamdam na pagpapahalaga ang siyang pinakamababa na binubuo ng mga pagpapahalagang may kaugnayan sa pandamdam ng tao. Tandaan: Ang hirakiya Ng pagpapahalaga ang mahalagang batayan ng isasagawang pamimili ng pahahalagahan. Ito ay nagsasaad ng ibat-ibang Antas ng pagpapahalaga. Sa pamamagitan ng Hirakiya ng pagpapahalaga,...