Hirakiya ng pagpapahalaga

Apat na Antas ng Hirakiya ng
Pagpapahalaga:
Banal
Ispiritual 
Pambuhay 
Pandama

Ang banal na pagpapahalaga ang siyang pinakamataas. Ang mga Ito ay binubuo ng mga pagpapahalagang kailangan ng tao upang maabot ang kanyang kaganapan. Ang kabanalan ang katuparan ng kaganapan ng tao.

Ang ispiritwal na pagpapahalaga ay binubuo ng mga pagpapahalagang naaayon sa kabutihan Hindi lamang ng sarili ngunit ng lahat. Ito ay nahahati sa tatlo:
Pagpapahalagang pangkagandahan 
Pagpapahalaga sa katarungan 
Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan

Ang pambuhay na pagpapahalaga ay binubuo ng mga pagpapahalagang may kaugnayan sa mabuting kalagayan ng buhay.

Ang padamdam na pagpapahalaga ang siyang pinakamababa na binubuo ng mga pagpapahalagang may kaugnayan sa pandamdam ng tao.

Tandaan:

Ang hirakiya Ng pagpapahalaga ang mahalagang batayan ng isasagawang pamimili ng pahahalagahan. Ito ay nagsasaad ng ibat-ibang Antas ng pagpapahalaga. Sa pamamagitan ng Hirakiya ng pagpapahalaga, higit na mauunawaan ang proseso ng paggawa ng moral na kilos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng moral na prinsipyo.